SAN FRANCISCO NG ASIS

1181 ng isinilang si Francis sa gitnang Italy, sinanay siya para pangasiwaan ang negosyo ng kanyang ama, pero mas pinili niyang magpakasaya at gastusin sa mga walang kuwentang bagay ang pera ng kanyang ama. Sa sobrang galit ng kanyang ama sa kanya ay pinili nitong huwag na siyang pamanahan. Si francis ang kauna-unahang tao na tumanggap ng stigma(ang limang sugat ni Kristo) noong 1224. Ginawan siya ng santo ni Gregory 9 halos dalawang taon matapos niyang mamatay.

ANG TALAMBUHAY NII SAN VICENTE FERRER

Isinilang si San Vicente Ferrer sa Espanya noong Enero 23, 1350. Bata pa lamang siya ay hindi niya na nakakalimutang magsamba tuwing miyerkules at biyernes. Taong 1360 ng pumasok si Vicente sa kumbento ng Orden ni Santo Domingo sa Valencia. 1460, nang maitatag sa Cabuyao ang Cabuyao Music Lovers’ Society na pinamumunuan nina Ramon Batallones at Dr. Vicente A. Librojo. Ito ay may layuning maitaguyod ang angking husay sa musika nang ating mga kababayan. At 1950, naman ng itinatag sa ating bayan ang kauna- unahang paaralan pansekondarya na pag-aari at pinamamahalaan ng mga taga-Cabuyao. Ito ay ang Cabuyao Institute (IC).Hindi nagaksaya ng panahon si Mayor Alimagno at agad sana niyang pasisimulan ang pagpapatayong muli ng gusali subalit noong ika-3 ng Marso 1963 ay nagpasabi ang may-ari at taga-pamahalaan ng Cabuyao, ngunit naagpasyahan ng konseho na mas magiging mainam para sa bayan na ilipat na lamang ang gusali ng pamahalaang bayan dahil mas malawak ang lupaing inaalok ng grupo ni Cuerro.
Isinilang si San Vicente Ferrer sa Espanya noong Enero 23, 1350. Bata pa lamang siya ay hindi niya na nakakalimutang magsamba tuwing miyerkules at biyernes. Taong 1360 ng pumasok si Vicente sa kumbento ng Orden ni Santo Domingo sa Valencia. 1460, nang maitatag sa Cabuyao ang Cabuyao Music Lovers’ Society na pinamumunuan nina Ramon Batallones at Dr. Vicente A. Librojo. Ito ay may layuning maitaguyod ang angking husay sa musika nang ating mga kababayan. At 1950, naman ng itinatag sa ating bayan ang kauna- unahang paaralan pansekondarya na pag-aari at pinamamahalaan ng mga taga-Cabuyao. Ito ay ang Cabuyao Institute (IC).Hindi nagaksaya ng panahon si Mayor Alimagno at agad sana niyang pasisimulan ang pagpapatayong muli ng gusali subalit noong ika-3 ng Marso 1963 ay nagpasabi ang may-ari at taga-pamahalaan ng Cabuyao, ngunit naagpasyahan ng konseho na mas magiging mainam para sa bayan na ilipat na lamang ang gusali ng pamahalaang bayan dahil mas malawak ang lupaing inaalok ng grupo ni Cuerro.

BAGO ANG TATLONG TAONG WALANG DIYOS

Nagkaroon ng bagong saligang batas sa panahon ng panunungkulan ni Lim Caoco at kasabay nito ang maraming pagbabago gaya nalamang ng pagpapalit sa katawagang presidente ng munsipyo sa alkalde ng bayan. Samantala, ang surian ng wikang pambansa naman ang naatasang mag lapat ng letra sa paukala ng KALIBAPI, bukod pa rito ang awit sa paglikha ng bagong pilipinas ni Catalino Dionisio ay nagwagi ng patimpalak. Baying Malaya biniyang pansin ni akuna ang nasirang munisipyo noon dahil sa gera sabisa “WAR DAMAGECLAIMS”.isa sa sinasabing nagpahirap ki mayor akuna tugunan ang panawagan ng mga kamag – anak ng mga taga – cabuyao natulungan niyang makalaya ang mga kamag- anak nilang kasalukuyang nakapiit.

ANG KILUSANG SAKDAL

Ang sakdalista ang isang organisasyon at ito ay itinatag ni benigno R Ramos noong 1931. “Sakdal” na ang ibig sabihin ay ihabla o akusahan. Una itong nailathala noong Hunyo 1,1930. Walang takot nilang isinisiwalat ang katotohanan at Lalo pa itong tumatag noong 1931.
ANG PAG – AALSA NG SAKDALISTA
Naagaw ng mga sakdalista ang munisipyo ng cabuyao mula sa mga opisyal nito. Napilitan si Presidente Alberto na isuko ang tribunal dahil sa kakulangan ng kapulisan
KASAYSAYANG MAY KINIKILINGAN
Hindi gaanong binigyang pansin ang mga naunang manunulat ang ating kasaysayan,kung meron man ang pag aalsa ay tinatawag nilang rebelyon, hindi na nakakagulat sapagkat ang mga unang estoryador ay amerikano o di kayay pilipinong nag aral sa amerika

SI SAJUD ALGABRE

Siya ay isinilang October 10 1894 sa banlik cabuyao, ang kanyang mga magulang ay sina maximo algabre at Justina Tirones, ng siya ay nasa ikaalat na baitang, lumipat ang kanyang mga magulang sa Manila ipinagpatuloy niya ang kanyang pagaaral hanggang sa sumapit sa unang baitang sa mataas na paaralan. Siya ay itinanghal na Reyna ng kariktan ng dahil na Rin sa taglay nitong kagandahan noobg disyembre 30 1913.Si salud ay may mataas na pagmamahal sa kanyang bayan. Hangad Nita Ang m ikabubuti ng kanyang bayan at mamamayan. Nagkaroon ng himagsikan matapos ang Laban noong mayo 3 1935, 56 ang mga nasawi. Inusig ng pamahalaan ang kasama sa paghihimagsik, si salud ay nagtago, ngunit hindi nagtagal siya ay kusang sumuko enero 3, 1939 siya ay nahatulan ng pagkakabilanggo mula anim hanggang 10 taon. Siya ay pinatawad at pinalaya ni presidente Manuel L. Quezon matapos ang isang taon, pitong buwan at anim na araw na pagkaka bilanggo. Mayo 2 1980, binawian ng buhay si salud sa kanyang tahan sa lungsod ng maynila. Siya ay nagkaroon ng limang anak sa kanyang yumaong kabiyak na si severo generalla. Ang mga ito ay sina Adelaida, Conrado, Liwayway, Luming at Daria.

ANG KWENTO NI EXEQUEL ALIPIT

Siya ay nanalo bilang presidente noong 1920, siya ay sumulat sa direktor ng New bilibid prison, sa muntinlupa na padalhan siya ng prosesong maaring tumulong lokal na ayusin ang kalsada at kasal sa Bigaa. pinadalhan ng NBP ng 200 preso at agad namang inayos ang kalsada at kanal sa Bigaa. Ngunit lingid sa kaalaman Niya, may samahan ng mga pilipino na sumusulat sa rasyonan at tinutulan ang kaniyang proyekto, si alipit ay Wala pa sa wasting edad ng maging presidente, ngunit dahil sa matigas ang kanyang ulo. Nangatwiran siya na ang taong bayan ang naghalal sa kanya kaya nararapat lamang na sundin ang kagustuhan ng nakararami. Noong mayo 20 1920, sila ay nagpulong upang talakayin ang problemang kunakaharap at ito ay pinamunuan ng bise presidente. nang malaman ito ni alipit pumunta siya sa kunseho kasama ang pulis na si Victorio de elimos. Agad siyang nagpaputok ng rebolber at inutos niyang ikulong si basa. Ang usaping ito ay nakarating sa korte suprema at nakulong si alipit tatlong taon. Tinapos ni basa ang natitirang termino ni alipit at hindi na rin Ito muling tumakbo. Noong 1923 nanalo si virtucio at isa lamang ang lamang nito sa boto. Ang pangunahing prayoridad ni virtico ay ang problema sa kakapusan ng mga silid aralan. Sinumulan ang pagbabakuna sa mga batang nasa paaralan. Sa halalan noong 1926 nanalo bilang presidente si Simeon battalones sila ay pareho ni alipit, naging kaaway din ito ng kunseho Kaya naman nagbitaw ito sa pwesto at pinalitan ni Martin Alcasabas. Sumunod na presidente si Alberto Battalones Carpena na sinasabing tunay na minahal ng mga taga cabuyao dahil sa paglilingkod at serbisyo ni sa bayan, siya ang kaisa isang doctor na naging alcalde ng bayan, pinagtuunan niya ng pansin ang paglilinis ng bayan upang makaiwas sa sakit siniguro niya na ang inumin ay ligtas. Sa panahon din ng panunungkulan ni Carpena naganap ang madugong pagaaklas ng mga sakdalista sa bayan ng cabuyao.

pakikibaka Ng bayan

Taong 1896 nakarating sa cabuyao ang balitang himagsikan Laban sa mga kastila. Sila heneral Emilio aguinaldo at Mariano trias ang mga namuno sa himagsikang Ito inatasan noon ng alkaldeng si Ricardo delos trinos at tenyente isabelo virtucio na bumuo ng pangkat Kung saan ang mga kalalakihan ang magtatagol sa bayan kung sakaling magkakaroon ng himagsikan at kailangan din nilang makipag ugnayan sa heneral Paciano Rizal, siya ang pinunong rebolusyonaryo sa parteng hilaga ng laguna upang malaman ang mga paghahanda kapag nangyari. Sa dakong katimugan ng laguna ay pinamumunuan ni Heneral Juan cailles. Karamihan sa mga kalalakihan naging tagapag tanggol ay ang mga magsasaka, sila ay walang masyadong alam sa paggamit ng armas, ngunit hindi ito naging hadlang upang makapag lingkod sila bayan. Noong agusto 30 1896 idineklara ni Heneral Ramon blanco na may digmaan na sa maynila, Laguna, Cavite, Pampanga, Bulacan, tarlac at nueva Ecija. Taong 1898 tuluyang nawakasan ang pananakop ng mga kastila sa ating bansa. Magkasabay ang pagbagsak ng españa at ang paglisan din ng mga prayle. Noong taong 1895 at 1897 ay palihim na itinakas ng mga parokyano si Padre Manuel pastor upang makaiwas sa galit ng mga katipunero ng pumutok na ang himagsikan si Padre galo minguez ang pansamantalang pumalit sa kanya. Taong 1896 pinalayas din ang mga katipunero. Taong 1899 ay makasaysayan sa bayan ng cabuyao partikular nasa simbahan, sa pangalawang pagkakataon nagkaroon na naman ng pinunong Hari ang simbahan at ito ay si Padre Eulalio Mea. Siya ay naglingkod ng limang taon hanggang 1903. Siya ay matulungin nang dahil dito, siya ay nabilanggo noong 1901 sa paratang na “pagtulong sa mga bandidong pilipino” ngunit hindi nagtagal siya ay pinalaya rin. Mula 1897 hanggang 1898 nanungkulan bilang presidente municipal si dominador delfino tinawag ang kanyang pamahalaan na ” pamahalaang Tagalog” noong December 10 1898 nagkaroon ng kasunduan ang amerika at españa at ang kasunduang ito ay taliwas sa landas na nais ng mga pilipino at pinalitan lang ng mga amerika ng mga kastila sa pananakop. Dahil sa digmaang pilipino- amerika noong taong pebrero 4 1899 sinang ayunan ng amerika ang mga nilalaman ng ” kasunduan sa Paris” sa halagang $20 milyon kapalit ay ang bansang pilipinas. Sa pamumuno ni dominador, nagsimulang kumalat ang skait na kolera sa pilipinas ang cabuyao ay hindi nakaligtas dito, marami ang namatay sa epidemyang ito. Ayon kay devoma ” ang nakikilibing ngayon o ang naghuhukay ng libingan ay siyang mamamatay kinabukasan”. Para masugpo Ang epidemya taong 1901 itinatag ng amerika ang board of health na naging bureau of health. Sinusunog ang mga bangkay na namatay dahil sa kolera, nagsimulang nagtayo ng mga poso na Wala pa noon. Ang balon ang pangunahing pinagkukunan ng maiinom ng mamamayan sinikap din nila na magtayo ng inidoro para sa mga mamamayan. Ilang taon pa bago masugpo ng taluyan ang kolera, inabutan pa nga ni presidente soleto battalones ayon sa tala, hindi dapat siya ang kasunod ni delfino, noong 1901 si andoy manipolo ang nahalal na presidente ngunit dahil siya ay hindi marunong magsukat at magbasa ng Ingles, hindi Ito sinunod ng mga amerikano, Kaya naman si battalones ang nanalo. Taong 1904 nakarating ang gamot Laban sa kolera, samantalang noong November 4 1901 pinagtibay ang ” sedition law” na nagbabawal sa mga pilipino na sumulat o ano mang laban say mga amerikano. Ang pilipinong lalabag sa batas na Ito ay makukulong o mahatulan ng kamatayan. Noong November 12 1902, “brigantage act” na nagbabawal sa pakikilahok at pagsali sa mga kilusan. Noong November 7 1904 ay kumalat ang balitang na ang dating alkalde na si delfino at kaibigan nito na si hermedes at dinukot. Dinukot ng bandidong pangkat oruga.si oruga ay dating nakasama ni battalones Kaya naman pansamatala siyang tinaggal sa pwesto, noong September 7 pinabalik si battalones sapagkat napatunayan na Wala siyang kinalaman sa pagdukot sa dalawa. Taong 1911 naitayo ang paaralang elementarya. Ang paaralang Ito ay naging cabuyao central school, ayon sa kanila tuwing lunes ay mas maaga silang pumapasok sapagkat nagkakaroon ng tinatawag na ” flag ceremony” una munang aawitin ang “star spangled banner” habang itinataas ang watawat ng amerika ang kasunod nito ay ” lando of the morning para sa pagtatas ng watawat ng pilipinas, pagkatapos ng dalawang awit bibigkasin naman nila ang ” pledge of loyalty” na Gaya ng ating pambansang awit ay nakasulat din sa wikang Ingles. Sa pawawakas aawitin naman nila ang “God bless america” Taong 1921 nagkaroon ng kauna unang pagtatapos o ” graduation” ang cabuyao central school apat sa naunang nakapagtapos ng ikapitong baitang Sina Rosario Obispo, Enriqueta Ronsayro, Presentacion Barameda at Exequel Ronsayro, ay naging guro ng nasabing paaralan. Bumuo ng musikong banda si battalones SI Lorenzo Barraga ang tagapag muno ng nasabing Banda. Noong 1913 natapos ang termino ni presidente battalones ngunit siya ay hindi na muling tumakbo. Inukol niya na lang Ang huling sandali sa paglilingkod sa simabahan dahil sa katandaa, napilitan siyang ipasa ang kantungkulan Kay florencio bailon ang banda at patuloy namayagoay ngunit dumating ang panahon ng hapones, Ito ay hindi na napagtuunan ng pansin. Noong 1904 nanalo sa halalan si Austin Dedicatoria na naglingkod hanggang 1916 siya ang nagpatuloy ng mga nasimulan ni battalones siya ay kilalang makabayan. Isa sa pinaka importanteng proyetong sinigawa niya na hanggang ngayon ay makikita pa ay ang bagong libingan na ngayon ay barangat III na. Muling nagbalik sa presidente si Jose manacsa Bella Sr. At dito inayos ang sinstemang edukasyong pampubliko ang mga bata ay kailangang mag aral ng elementarya imunungkahi ni bella na magtayo ng paaralan sa pulo at mamatid. Noong 1934 naitayo ang home economics and industrial science building say central school na pinamunuan ni Presidente Alberto Carpena.

ANG ALAMAT NG KAMPANANG GINTO

Noong unang panahon ay sinasabing may pag-aari ang simbahan ng Cabuyao na kampanang yari sa ginto. Ito ay dala ng mga prayleng Pransiskano upang manghalina ng mga katutubong sumasampalataya sa Kristiyanismo at talikuran na ang kanilang lumang pananampalataya. Subalit sa lakas ng tunog ng kampana ay hindi naging mapanghalina ito sa mga tao. Umaabot hanggang San Pedro at sa Bae ang tunog nila. Ang mga babaeng buntis ay naagasan at ang mga taong malapit sa simbahan ay nabibingi. Dahil dito, ay tanging piling okasyon lamang ang pinaggagamitan ng kampana. Dahil sa hindi mabilang na insidente at nagpasya ang mga kalalakihang kumilos upang wakasan ang pinsalang dala ng kampanang ito. Ito ay ninakaw ng mga tulisan mula sa tore isang gabi. At dahil sa bigat at mag-uumaga na ay nagpasya ang kalalakihan na ihagis na lamang ito sa ilog ng Kamyas. Ito ay naaaninag pa mula sa kinalalagyan lalo na kung panahon ng tag-init o kabilugan ng buwan. Maraming nagtatangkang iahong muli ito subalit lahat ng mga ito ay nasawi. Ayon sa matatanda, ang kampanang ginto ay inangkin na ng mga engkantada kaya sinumang magtatakang kunin ito ay namamatay. Taong 1884 ng ibaba ng gobernador-heneral ang bilang ng sapilitang pagtatrabaho ng mga mamamayan mula 40 araw sa 15 araw na lamang bawat taon.

ANG SULIRANIN SA KAPAYAPAAN

Sa kabila ng pagkakaroon ng mga guardia sibil at pagdalaw ng mga cazadores o sundalong Kastila. Maraming tala na nakasaad na ang Cabuyao ay nakaranas din ng kaguluhan. Naganap ito sa mga panahong panunungkulan ni Kapitan Manuel Gatdula. Ika-17 ng Disyembre 1812 nang pasukin ng mga tulisan ang simbahan ng Cabuyao. 1858, itinuring na pinakamadugong pangyayari sa kasaysayan ng bayan nang pasukin ang loob ng tribunal ng mga tulisan at paslangin ang alcalde noon na si Jose Deasanta. Hunyo 3, 1863 nang yanigin ng malakad na lindol na halos lahat ng gusali sa Maynila ay gumuha na naramdaman din sa bayan ng Cabuyao. Taong 1866 nang muling sumalakay sa bayan ang pangkat ni Agucil Sebuo at pagnakawan ang mga tauhan ng principalia. Ilang bahay ang pinasok at sinunog maging ang Alcalde noon ay nabaril din ng mga tulusan. Natalo din naman ng mga taong bayan at napatay ang pinuno ng tulisan. 1885, ginimbal na naman ang taga-Cabuyao sa balitang ginilitan sa leeg ang kanilang Alcalde noon na si Agustin Algabre na kaaway nitong si Martin Almonte, nakulong ito samantalang himalang nabuhay pa rin si Algabrr at sa sumunod na taon ay nabigyan ng pagkakataon para manungkulan pa rin bilang kanilang alcalde.

SA ILALIM NG KAMPANA

Sa paglipas ng panahon, ang pag-aayos ng bagong poblacion ng Cabuyao ay tinawag na plaza complex dahil ang sentro ay plaza—isang bukas na lugar. Nakapaligid sa plaza ang simbahan ng Cabuyao. Katabi nito ang kumbento ng pari at pamilihang bayan. Sa harapan naman sa may gawing silangan ng simbahan ay ang pamahalaang bayan. Noobg 1885, sa panunungkulan ni Alcalde Agustin Algabre itinayo ang kauna-unahang pamahalaang bayan o Tribunal del Pueblo de Cabuyao. Sinasabi na sa lapit o layo ng isang bahay sa simbahan ang katayuan ng pamilya sa lipunan—mas malapit sa simbahan ang mga bahay na bato ng mamamayan. Maraming pagbabago ang naganap sa Cabuyao. Ang dating barangay ay baryo na itinawag nila. Cabeza na ang tawag sa pinuno imbes na Gat. Ipinakilala din ang bagong halaman na mula pa sa bagong España tulad ng mais, patatas at iba pa. Mga bagong uri ng kabayo, bibe, baka, at mga kalapati. Ipinatupad din ang sistema ng Polo y servicio o sapilitang paggawa. Ang kalalakihang may gulang 14 hanggang 60 taon ay sapilitanvna maglalaan ng 40 araw para tugunan ang pangangailangan ng pamahalaang kolonyal. Dahil dito ay naipatayo ang simbahan at kumbento ng Cabuyao.

Design a site like this with WordPress.com
Get started