Sinasabing na ang sinaunang na pagkain ay nakabatay lamang kung anung meron kung ano meron sa kanilang paligid. Ang halimbawa ng sinaunang pagkain ay ang sariwa (kinilaw),pinasingawan, o kaya naman ay inihaw. Ang pagkain naman sa tuwing tagulan ay ang pagpapaksiw , pagdadaing, pagbuburo.
SISTEMA NG PAGSULAT
Ang ng pagsulat ay nakatulong sa kanilang pagpapaunlad ng kanilang kalinangan. Ang archipelago ay may nakuhukay at sinasabi na ang kanilang nahukay ay isang Sistema ng pagsulat ng sinaunang Pilipino na maaring patunay na sila ay may sibilisasyon. Baybayin ang tawag sa Sistema ng kanilang pagsulat at binubuo ito ng 14 na katinig at 3 patinig at may pangkalahatang panuto ng “kung ano ang pagbigkas ganun din ang pagsulat” ang laguna ay isa sa nakatuklas ng isang baybayin na nakasulat sa tanso at ito’y ay kinalalang “laguna copper plate inscription” na iniingatan ng mga taga national museum.
PANINIWALA SA KABILANG BUHAY
Ang kabilang na lahat ng mahahalagang bagay ng taong puman aw ay isasama sa kaniyang libingan.Sa madaling sabi, naniniwala an gating mga ninuno na nag kabilang buhay ay isang pagpapatuloy lamang na kasalukuyang buhay ng isang nilalang na naglalakbay sa karagatan.
Sinaunang Relihiyon
Ayon kay Teodoro Agoncillo, ang mga sinaunang Pilipino ay naniniwala na sa konsepto ng kaluluwa at at sa kaluwalhatian. Mayroon silang tinatawag na Bathalang Maykapal. Ang unang nasabi ay lumikha ng mundo at naririto maging ang mga tao. Kaya si Bathalang Maykapal ang pinakamakapangyarihang diyos para sa mga katutubo. Nasabing siya ay naninirahan sa kaluwalhatian.Ang mga mababang anito naman ay nakabatay sa pang-araw-araw na gawain o pangangalaingan ng mga katutubo. Sila ang nakatakda para sa pangangailan ng mga tao. May mga iba’t-ibang uri ng mga diyos na pinaniniwalaan ang mga tagalog. Ayon pa kay Agoncillo, ang paniniwalang ito ay kumalat sa buong bayan bagama’t nag iiba lamang ng pangalan. Sinisisi din ng mga katutubong Pilipino sa mga anito tuwing nagkakaroon ng insidente, kamatayan o pagkakaroon ng peste. Laganap sa buong bansa na may nangangalagang espiritu sa lahat ng bagay, may buhay man o wala. Ayon kay Plasencia, ang buhay ng katutubo ay umiikot sa pagbibigay ng kasiyahan kay Bathala. Isinasagawa nila ang iba’t-ibang ritwal na pinamumunuan ng katalonan. Naniniwala rin ang mga sinaunang Pilipino sa bisa ng mga anting-anting, agimat at iba pa. Para sa kanila ito ay panlaban sa mga nilalang na hindi nakikita o nagdudulot sa kanila ng kasamaan.
TIRAHAN
Bahay kubo ang sinaunang tirahan ng mga sinaunang Pilipino na ang silong naman nito ay nagsisilbing kulungan para sa mga hayop at itoy madaling pasukin ng hangin. Ngunit nag kakaiba lamang ang bahay kubo dahil sa mga material na bagay na ginagamit. Ang bahay kubo ang sinaunang tahanan ng mga mamamayanan ng Cabuyao.
ANG UNANG PAMAYANAN
“konsiderasyon pang-ekonomiko” na pinagtatayuan ng pamayanan ng mga sinaunang Pilipino ito ay matatagpuan sa may tabing ilog o di kaya naman sa kapatagan. Tabuko na orihinal na pangalan na Cabuyao na nangangahulugang “hangganang-ilog”.
PINAKAMABABANG URI:ANG ALIPIN
Ito ay may dalawang klase, ang aliping ang namamahay may sariling bahay na minsa’y pinapatawag ng kanilang maginoo upang magsaka at ang aliping saguiguilid naman ay nakatira sa bahay ng kanilang maginoo at nagsisilbi sa pamilya nito.
TIMAWA
Sa timawa mulang makikita ang mga mamamayang may kalayaan at karapatan nag awing ang kanilang kagustuhan tulad ng pagsasaka at paggawa ng anumang mga bagay sila ay nagbabayad ng buwis para na rin sa kanilang proteksyon sa kanilang maginoo. Ngunit sa kabila ng lahat ang timawa ay nangangaluhugan dukha at pataygutom.
GITNANG URI: MAHARLIKA AT TIMAWA
Ang uring maharlika at timawa ang pumapangalawa sa uring maginoo. Sila ang tinatawag na mababang uri ng mga “dugong bughaw”. Hindi gaya ng aristokrasya sa mga bansa sa kanluran, ang gitnang uring binubuo ng kalalakihang tagapagtanggol ng barangay sa oras ng digmaan.
ANG KATALONAN
Naniniwala ang mga sinaunang Pilipino na ang sadaigdigan, bagamat isang kabuuan, ay pook ng pagsasaaliw ng mga katangiang pisikal at espiritwal. Gayundin, mayroon itong tatlong sapin o rehiyon, ang langit, lupa , at ang ilalim ng lupa. Sa mga rehiyong ito naninirihan ang mga diyos, diwata, anito(langit), tao, hayop, halaman. Bunga nito kailangan ng mga tao ng isang tagapamagitan o mediator sa mga samut saring diwata at nilalang na di nakikita.
