ANG PAGBABAGONG BIHIS NG CABUYAO

Nagpasyang lisanin ng mga Kastila dahil sa pagkabutas ng pulo ng Talim ay madalas na ang pagbaha. Nagpasya na magtayo ng bagong kabisera ng Cabuyao. Natagpuan nila ito sa may dakong kanluran ng Marinig. Hanggang kasalukuyan ito ang kabisera ng bayan ng Cabuyao. Sapilitang pinalipat ang mga mamamayan ng Cabuyao. Mula sa baybaying Lawa ng Laguna at looban patungo sa isang sentrong nasa ilalim ng kontrol ng mananakop. Tinuruan ang mga taga-Cabuyao ng tamang paniniwala, pananamit, at pamahalaan

ANG PAGKAKAAPEKTO NG PAGAALIS NG MGA NAYON

Marami ang nawala ng lumiit ang nasasakupan ng Cabuyao. Isa na rin ang dahilan kaya napag iwanan ang Cabuyao dahil nanatili itong isang encomienda at hindi naging hacienda. Ang mga may maayos na kalsada at tulay, iba’t-ibang pasilidad ang magpapatunay na nalinang nang husto dahil sa hacienda ng mga prayle. May maayos din na sistemang patubig at irigasyon na nagbibigay na magandang ani na hindi naganap sa Cabuyao. Dahil hindi na gaanong ginagamit ng mga taga-Cabuyao ang Lawa ng Laguna bilang daan ng paglalagay ay inayos ito ng mga mamamayan upang maging daan patungo at palabas ng bayan.. Dagdag pa na kinukuha pa nila ang pangangailangan nila sa Calamba at Biñan subalit sa panahong iyon ay hindi maayos ang kalsada at laganap ang mga tulisan na magnanakaw. Tinugunan naman ito ni Kapitan Gavuno Añonuevo. 1853 naman ng matapos gawin ang tulay ng Pasong Bayan na nag-ugnay naman sa Biñan at Sta. Rosa. Si Alcalde Jose Deasnmanta Rivera ay isa sa mg mapalad na pinuno ng bayan noong 1852. Sa kabila ng kawalan ng tala sa buhay niya dahil sa pagpapatayo ng ikalawang sementeryo ay nagkaroon siya ng alaala sa panunungkulan niya. Nakiusap ang mamamayan na campo santo sapagkat may kalayuan ang kauna-unahang libingan sa bayan. Itinayo ang campo santo sa dakong kanluran ng nayon ng Sala. Ito ay bahagi ng lupang kasalukuyang kinatatayuan ng Asia Brewery.

ANONG SABI NG KASAYSAYAN

Umiral sa kolonya ng España ang Recopilacion de leyes de las Indias, na ang lahat ng lupain sa mga bansang kolonya ay pag-aari ng hari ng España. Tanging karapatan lang nila ay gamitin ang mga lupaing nasa kanilang pangangalaga subalit kailangan nilang magbayad ng buwis. Ang hari ang nagmamay-ari ng lahat ng lupa, bukod tanging siya lamanh ang may kapangyarihang bumuo ng bayan, magtakda ng mga gagamitin bulang tirahan, tanuman, sakahan, o pastulan ng hayon. Sa Pilipinas, ang mga Orden ay nakakatanggap ng lupaing kaloob ng hari ng España bulang gantimpala sa pananakop, itong lupain ay tinawag na hacienda. Ang Hacienda ay kadalasang pinapagawa sa mamamayang Pilipino na nakatira sa nga pook o kaya naman ay sa mga nabinyagan ng Tsino. Subalit kailangan nila magbayad ng buwis sa mga prayle upang sila ay pahintulutan na patirahin sa karatig ng hacienda. Hindi nagtagal, napansin nilang inaangkin ng mga prayle at sasabihing bahagi ito ng hacienda. Madalas ito’y pinapasara ng mga prayle sa mga lupain at tanimang kinatatayuan ng mga katutubo. Kung hindi sila makakapagbayad ng buwis ay hindi sila makakagamit o makakapaghanap buhay. Kaya may bahagi sa kasaysayan ang ating bansa na tinawag na “Kilusang Agraryo ng 1745.” Ito ay kilusan kung saan nagoapakita ng galit para sa mga prayle na kinakamkam anh mga lupain malapit sa kanilang hacienda.Ayon sa tala ng Simbahang Katolika, ang pook ng Malabanan na tinawag na Biñan ay naging hacienda ng orden ng Dominikano noong 1689. Maging ang lupain ng Calamba ay naging hacienda rin ng mga Dominikano. Ang pamilya ni Dr. Jose Rizal ay naging biktima rin ng pangangamkam ng mga prayle.

ANG SUMPA

Ang mga taga-Cabuyao ay mahilig sa mga alamat o kwentong bayan. Ayon diyo, panahon ng mga Kastila nang dalawin ng Papal Nuncio ang pueblo ng Cabuyao upang bisitahin ang bagong tayong simbahan nito sa Marinig. Ang Marinig ang unang naging sento ng Cabuyao dahul ito ang pinakamalapit sa Lawa ng Laguna. Lahat ng mga sinaunang bayan ay umusbong malapit sa katubigan dahil ito ang nagsisilbing tagapag-ugnay. Dahil sa kagustuhan ng mga mamamayan na magpasalamat at ipakita na sagana at marangya ang bayan nila, naisipan nilang latagan ng palay at bugas ang lahat ng lupang daraanan ng Nuncio ng Cabuyao. Sa halip na matuwa ay nagalit ang Nuncio at nakapagbitaw ng isang sumpa. Ilang araw pagkalisan ng Nuncio, nagkaroon ng makalas na lindol, at naghiwalay ang lupa at ilog ng Cabuyao at Sta Rosa, ganun din ang Cabuyao at Calamba.

ANG TALAMBUHAY NI SAN POLYCARPO

Si san polycarpo, patron ng bayan ng cabuyao, ay isinilang at nabuhay noong ikalawang siglo. Pinalad siyang makilala at makasalamuha ang mga taong naging malapit kay hesus. Noong si florinus, isa pa rin sa mga nagging masugid na tagasunod ni polycarpo, ay nangaral laban sa erehiya o maling pananampalataya, ang mga bagay na iyong binanggit ay hindi itinuro ng mga Obispo na nauna sa atin. Matutukoy ko sa inyo ang lugar na kung saan ang banal na si polycarpo ay nangaral ng salita ng diyos. Ang kanyang mga isinulat, sapagkat ang mga ito ay mula mismo sa bibig ng mga nagging disipulo ni kristo ay nagsilbing mahalagang tulay na naguugnay sa tradisyonal na doktorina ng mga apostales.
ANG DAAN PATUNGO SA PAGKARMATIR
Nang bumalik si polycarpo sa Smyrna ay may isang kabataan na nagngangalang germanicus na di umano ‘y napatay bunga ng pagdirawang ng mga kristiyano na kanila ring tinatawag na pagano Bunga nito, kanilang ninais na palayasin ang mga ito mula sa kanilang lugar. Subalit sa kabila ng edad na 86 na taon, ipinalamas ni polycarpo ang kanyang taos pusong pagtitiwala sa kanyang panginoon. Tumanggi siyang magsakripisyo sa mga diyos- diyosan at kumilala sa emperador bilang diyos.

PADRE BLAS DE STA.ROSA

PADRE BLAS DE STA.ROSA
Sila ay sina Francisco baluyot ng guaga, Pampanga na sinasabing kaunaunahang indyong naging pari, si joseph de ocampo ng binondo sa maynila na isang mestizong tsino, at si gregorio Ignacio manesay ng san roque sa cavite. Kaunti lamang ng tala tungkol sa buhay ni sta.rosa. subalit dahil sa alam natin ang kaugaliang umiiral noong mga panahong iyon,batay rito, sapagkat blas ang ibinigay na pangalan, samakatuwid, ang petsa ng kapanganakan nito marahil ay ikatlo ng pebrero dahil ito ang kapistahan ni san blas.

ANG PAGSAKOP SA TABUKO

ANG PAGSAKOP SA TABUKO
Inutusan nito ang kanyang apong si juan de Salcedo na simulant na ang pagsakop sa mga karatig na lugar ng maynila. Ika- 15 ng Agosto 1571 nang simulang baybayin ni Salcedo ang ilog pasig hanggang sa marating nila ang cainta kung saan naganap ang isang madugong labanan na ikinatalo ng mga katutubo. Ang pamayanang ito ay tinatawag ng mga naninirahan ditto ma bae o bai. Ang salitang bae o bai ayon sa aklat ni padre chirino ay salitang malay na ang ibig sabihin ay respeto o paggalang.

MINSAN MAY ISANG RAJA

MINSAN MAY ISANG RAJA
Ayon sa matatansa, Tabuko ang sinaunang pangalan ng bayan ng Cabuyao. Ito ay hango sa pangalan ng pinuno ng Laguna na si Gat Tabok na noo’y piniling manirahan at magtatag ng kanyang opisyal na tahanan. Malawak ang lupaing nasasakupan ng Tabuko. Ang bayang ito ay binubuo ng mga bayan mula sa kasalujuyang San Pedro at Biñan sa hilaga hanggang bayan ng Calamba sa katimugan.

ANG PUNO NG KABUYAW

ANG PUNO NG KABUYAW
Ang puno na Kabuyaw ay pinaniniwalaan na pinag mulan pangalang ng bayan ng CABUYAO na isangt uri ng citrus na ang bunga nito ay ginagamit sa paglalaba ng mga sinaunang Pilipino. Ang puno ring ito ay sagana sa pamumunga noong unang panahon at ang dahon naman nito ay ginagamit ng mga kababaihan bilang gugo para swa kanilang mga buhok kaya napakalaking tulong talaga ng puno ng kabuyaw para sa mga mamamayan ng Cabuyao.

IKALAWANG BAHAGI DOON PO SA AMIN: KASAYSAYANG BAYAN

IKALAWANG BAHAGI
DOON PO SA AMIN: KASAYSAYANG BAYAN
Paano nga ba ang pinagmulan ng Cabuyao? Dahil sa kakulangan ng pag-aaral hindi natin masasabi basta basta kung saan nga ba nagmula ang Cabuyao ngunit mayroon silang pinaniniwalaan kung saan nag mula ang Cabuyao iyon ay dahil sa “kwentong bayan”. Kwentong bayan na walang patotoo ngunit marami ang naniniwala . Ayon sa kanila na ang pangalang Cabuyao ay nag mula sa halamang kabuyaw na isang uri ng punong halamang citrus na ayon sa matatanda ay sagana noongaraw. Ang dahon nito ay ginagamit ng mga kababaihan bilang gugo para sa kanilang buhok at bunga ay ginagamit nila sa paglalaba. Habang nag lalaba ang mga kababaihan ay may lumapit sa kanilang mga dayuhan at itananong kung anong pangalan ng pueblong ito o bayan kung sa atin na akala nila ay kung anong tawag sa halamang ginagamit nilang panlaba sumagot sila ng “kabuyaw po” kaya simula noon ang bayan na ito ay tinawag ng Cabuyao dahil; lang sa hindi pagkakaintindihan.

Design a site like this with WordPress.com
Get started