Since were done on our Seminar entitled the next young Entrepreneur’s generation 2019 we need to pass our requirements which is this documentation another sleepless day just kidding we divided our task for the four part which is the narrative report , PowerPoint presentation, financial statement, and lastly the evaluation and sorry for not not updating my blogs
TANGHALANG HINDI TAPOS
Noong ika 10 ng marso 2017 ay muling pinaringgan sa sta elwna golf and convisory club Ang batahan ay pinangungunahan ng Procter &gamble Philippine na nagbabayad ng 171 milying buwis ito ay sinundan ng Philippines na nag bayad ng 132 mulyong buwis pumangatlo ang wyeth Philippines na nagbabayad ng 77 mikyong buwis sinundan ng zuellig pharma corporation na nagbabayad ng 63 milyon na ang asya brewery na nagbayad ng 31 milyon .samantala nagkampeopn ang koponan sa cabuyao ng softball na binuo ni mayor rommel gecolea ang cabuyao transformers sa ASAPhil (Ameteur Softbakl Association of the Philippine) 17-18 and under mens fast pitch softball na ginanao sa st Niño hall park marilina vity noong ika 12 ng mayo 2017 . Ito ay bunga ng city ordinance No. 2016-479na nagtatagubilin ng paglalaan ng pondo upang makabili ng mga barangay na unang nakatanggap ay ang barranggay banay banay, banlic poblacion uno sala baclaran casile mamatid butong noong ika 7 ng hulyo 2017 naman ay binasbasang muli ang huling siyam na karagdagang bagong emergency service.
BAGONG SIMULA
Ang pagpapasya at paggawa sa kinauukulan Ay hindi lamang solong pasanin ng kahit na sinong nanunungkulan sa bayan ngayon ay iniimbitahan at hinahamon tayo ng panahon na gawin naten ang ating oapel at makibahagi sa abot ng ating makakakaya upang makamot naten ang isang maunlad na lungsod mayapa at malimis na cabuyao sa kasaysayan ay hindi uso ang salitang pagtatapos o wakas. Mayroon lamang mga bagong bagong kabanata taglay natin ang bagong simula.
MGA KASAMANG LINGKOD BAYAN
Samantala nanalo naman bulang pangalawang punong lungsod si dating konsehal jose benson “sonny” g. Aguillo ang pangalawang anak ng dating mga naging mayor etok at nila g. Aguillo bagamat ang kasalukuyang mayor ay hindi nagmula sa isang pribado lara sa kapakanan ng lungsod ay nagkasundo ang dalawana iisang tabi na muna ang pulitika kailangan ng pagkakaisa ayos kay vice mator aguillo pawang nasa oanila mga termino samantala si dennis felipe c hain naman ang kinatawan ng liga ng baranggay sa sanggunian
PAMUMUNONG TRANSFORMATIONAL
Unang araw ng hulyo 2016 nang maupo si atty. Mel bilang bagong punong lungsod matapos niyang manalo sa eleksyon noong mayo. Si mayor mel ang kaunaunahang abogadong naging mayor sa cabuyao sa ngayon maaga pa para magpataw ng hatol sa programa ni mayor mel. Isa sa pinagtutuunan ng pansin ang kasalukuyang nayor ng cabuyao si mayor melang CIAD O INVESTMENT AND DEVELOPMENT AUTHORITY ang orihinal na akdang nagpatibay sa sangguniang bayan miong ika 13 ng setyembre 2008 bilang munisipal ordinance No. 121-2008 sa larangan naman ng edukasyon napagtagumpayan din ng kasalukuyang mator sa ulalim ng yes to education program ang pagbaba ng matrikula sa pnc. Mula sa 100 ay naging 50 nalang bawat yunit ang binabayaran ng mga mag aaral nanasabing pamantasan sa unang dalawang linggo pa laamng ay ng panunungkulan ni mayor mel ay pinangunahan na nuto ang BOR sa babaan ng tuition fee ng mga estudyante na myla sa cabuyao bunga ng kautusang ito sa pnc na may pinakamababang tuition fee hindi lamang sa buong laguna kundi maging sa buong region IV -A tumaas ang bilang ng mga nakatanggap ng scholarships matapos marugunan ng punong lungsod at local na school board ang lahat ng mga requirements at standard na kinakaila gan sa pamamagitan ni deoed secretary leonor briones ang antas ng cabuyao mula at bilang distrito ng deped sa laguna ay itinataas ang antas ng city division bunsod nito nayroon na ang lungsod ng mas mahusay epektibong pamunuan simula sa division superintendent samantala noong ika10 ng Enero 2018 nakatanggap ng liham si mayor mel kay senador sherwin T. Gatchalian na nagsasaad na pasado na ang senado ang universal access to quality tertiary education act na naggagawad ng libreng edukasyon sa mga kwalipikadong mamamayan na nag aaral sa kolehiyo dahil sa pamantasan ay isa sa iilan lamang ang na nagawaran ng ched ng pagkulala bilang isang higher education institution cabuyao one shopsa cityhalk grounds pagsasama ng lahat ng mga departamentong may kinalaman sa pakuha o renewal ng mga business oermit sa iilang lugar lanang sa gayon ay mapabilis ang pagsasaayos bg mga papeles nito.layunin nito na mas maging epektibong orosesso at daliy ng pagkuha ng permisong makakapagnegosyo sa cabuyao alinsunod sa republic act 9645 of 20057 ang anti red tape act bunga ng one straight shop na iti ginawaran naman noong ika 27 ng pebrero 2017 si mayor mel ng outstanding service award mula sa bureau of fire protection dahil sa 50.44% na itinaas ng koloksyo. Ng fire code mula sa mamumuhunan sa lungsod
PAGSASALUNGSOD SA CABUYAO
Ang panukalang maging lungsod ang munisipyo ng cabuyao unang natalakay sa public at committee hearing at privilege speeches miyembro ng sangguniang bayan sa pamumuno no konsehal Rommel A. Gecolea kilala bilang atty. Mel na chairman noon ng vommitee on appropriation at committee on ruoes ang katotohan bago pa amn tayo nanguna ang mga mynisipyo ng calamba,buñan at sta. Rosa umangat ang cabuyao dahil mas maganda ang pagpapatakbo ng bayan kundi dahil naaprubahan ng pambansang oamahalaan ang conversion ng mga bayan bulang isang component city hindi na kasali sa listahan ng mayayamang “first class” na munisipyo. Binigay diin ni atty. Mel na tumaas man ang income o local revenue ng bayan dahil ito sa lokasyon ang cabuyao ay nasa bahagi ng industrial at economic zone ng Region IV-A maraming industriya at malaking namumuhunan ang nagtayo ng kanilang kompanya sa ating bayan. Tatlong pangunahing dahilam kung bakit dapat maging lungsod ang cabuyao una sakaling maging lungsod ang cabuyao tataas ang income nito bilang isang munisipyo kasi sa ikalawang distrito ng laguna bumabahagi ang probinsya sa kita ng bayan. Ikalawa mas magiging epektobo at mahusay ang pamamahala at serbisyo ng lokao na pamahalaan at ang ika tatlo maraming mamumuhunan at malaking kompanya kasama ang multinational at transnational na korporasyon ang mahihikayat na na mamuhunan sa bayan ng cabuyao. Ang mga nabangit sa itaas ay naging sentro ng talakayan sa papangunguna ni atty. Mel dhindi lamang ang sangguniang bayan kundi ang buong cabuyao marahil ang kanyang walang sawang pagpapaliwanag ang dahilan upang higit na maunawaan ng taga-cabuyao ang kagandahang maidudulot nito sakaling maging isang lungsod ang cabuyao hindi maitatanggi ang mungkahing ito ni atty. Mel na napakadalubhasa (master of publuc affairs) sa unibersidad ng pilipinas at ang specialization niya ay local government and development ang konsepto ng cityhood ay bahagi ng kanyang pa aaral bulang isang research scholar sa nagoya University graduate school sa bansang japan.
ANG SOUTHVILLE
2003 nang simulan ng mga taga-Cabuyao ang mgaa kilos protesta laban sa National Housing Authority dahil umano sa di-makatarungan at madaliang pagpapalipat ng mga informal settler mula sa Metro Manila patungo sa relocation site. Ang nasabing site ay ang Sunrise Subdivision na ‘di kalaunan ay tinawag na Southville. Ika-9 ng Setyembre 2003 ng mapadala ng isang liham ang Pamahalaang Bayan kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Nakapaloob sa liham ang pagtutol sa pagpapalipat ng informal settler. Una, may Pambayang Kautusan Blg. 2003-061 na nagbabawal na lumipat o tumigil sa bayan ng Cabuyao sa ilalim ng proyektong nasyonal. Ikalawa, hindi dumaan sa wastong proseso ang usapin ng pagpapalipat sa kanila mula Metro Manila patungo sa Cabuyao. Ito ay labag sa Implementing Rules and Regulations ng 1991 Local Government Code of the Philippines. Ikatlo, hindi makakayanan ng pamahalaang bayan ng Cabuyao ang pagdagsa ng informal settler na makakaapekto rin sa paglobo ng populasyon. Ayon pa sa mga liham ay mag kinakaharap pang problema ang Cabuyao hingil sa informal settler nito sa tabing riles at ilog. Marami rin na pabrika ang nagsipagsara bunga ng malaing krisis pang ekonomiya na naranasan ng bayan.
ANG CENTENNIAL MAYOR
Sa halalang noong 1995, muling nabawi ni Etok Aguillo ang pagiging mayor mula kay Jun Alimagno. Dahil dito, si Aguillo ang tinaguriang Centennial Mayor dahil siya ang nakaupo sa panahong ipinagdiwang ng buong bansa ang sentenaryo ng kanilang kalayaan. Naging mahirap ang unag buwan ni Mayor Aguillo sapagkat kapos sa pera ang kaban ng bayan. Dahil sa kakapusan ng pondo ay nanganib na hindi na maisakatuparan ang proyekto. Na naging dahilan upang gawin niyang pangunahing programa ang pagsasaayos ng koleksyon ng buwis ng bayan. One stop shop na alinsunod sa panawagan ng pambansang pamahalaan sa kampaya nito laban sa Red Tape. Ito ang nakitang solusyon ni Mayor Aguillo para dumami ang mamuhunanan sa ating bayan. Dahil sa maayos na programang ito ay lalong dumamo ang mangangalakal sa bayan na naging sanhi naman ng pagtaas ng koleksyon nito. Sa ilalim ng Etokarunungan noong 1995 sinimulan ang scholarship program na kung saan naging libre ang pag-aaral sa 18 paaralang elementarya at apat na sekondarya sa Cabuyao. Mayroon ding 500 na iskolar sa Kolehiyo. Isinaayos din ang Mutual Death Aid Program para sa naulilang pamilya kasapin ng FSCAP-Cabuyao na nakakatanggap ng malaking halaga ng pera. Taong 1998 nang alisin ni Bishop Francisco Capiral San Diego ang Visita ng Bigaa. Unang araw ng Mayo ipinagdiriwang kapistahan ng simbahan ng Bigaa. Ika-31 ng Hulyo 1999 na idaos ang paglalagay ng panulukang bato para sa pagpapatayo ng modernong gusali. Hulyo 31, 2000 nang pormal na pasinayaan ang bagong gusali. Nagkaroon ng karangalan si Mayor Aguillo na tawaging Millenium Mayor bilang pagsalubong sa panibagong milenyo. Hunyo 29,2001 nang sabay na pasinayaan ang PNP-Cabuyao Station at Bureau of Fire Protection. Hulyo 31, 2001, nang pasinayaan ang bagong gusali ng Bureau of Jail Management and Penology-Cabuyao. Sa araw ding iyon ay pormal na binuksan sa publiko ang Gulod-San Isidro Farm to Market Road at Pulo -Diezmo-San Isidro Diversion Road. Nagkaroon din ng groundbreaking rites para sa CAST na lupang pag-aari ng Brgy. Banay-banay. Disyembre 21,2001 nang pumanaw si Gabriel N. Devoma, na nagulat ng aklat ng kasaysayan ng Cabuyao. Abril 22, 2002, mahigit na 50 city at municipal mayors sa iba’t ibang lungsod sa buong Pilipinas ang dumalaw sa bayan ng Cabuyao bilang bahagi ng kanilang study tour. Natanggap ng Cabuyao ang parangal bilang “Model Municipality in Stremlining Regulatory System and Anti-Red Tape Program na iginawad ng DILG. Inilunsad ang Cabuyao Hymm ni Vehnee Saturno noon 2002. Hulyo 31 2002 naman ng pasinayaan ng bagong Rural Health Unit 1 sa Pamahalaang Bayan. Ang RHU I ang pinakamaganda, pinakamoderno at pinakamalaking RHU building sa buong lalawigan Laguna. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginanap din sa bayan ng Cabuyao ang Batingaw Festival na proyektong pangkultura at panturismo. Ang Batingaw Festival ay kapapalooban ng apat na araw ng pagdiriwang simula ika-13 ng Enero 2003. Ang PnC ay ibinatay sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na noong panahong iyon ay nagsisilbing modelo para sa isang lokal na unibersidad. Hulyo 31, 2003 natapos at pinasiyaan ito. Hunyo 19, 2003 ay dumalaw ang noo’y Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Cabuyao upang personal na makita ang bagong Pamantasan ng Cabuyao. Hunyo 16, 2003 nang pormal na magsimula ang klase sa Pamantasan ng Cabuyao.
ANG ARAW NG CABUYAO
Ika-16 ng Enero ng Enero ng bawat taon ipinagdidiwang ang Araw ng Cabuyao. Ito ay sa bisa ng Pambayang Kapasyahan Bilang 137 na ipinanukala ni Konsehal Eddie Alviar at Primo N. Briones. Pinagtibay ito noong ika-19 ng Setyembre 1989. 1990 ng unang ipinagdiwang ito. Taong 1991 naman nang matapos ang pagtatayo ng The Light Industry and Science Park (LISP) in the Philippines sa Cabuyao. Ito ang pinaghalong komersyo at mataas na kalidad ng teknolohiya. Ang Science Park ay may 75 na pabrika. Sa eleksyon na naganap noong ika-11 ng Mayo 1992, nanalo bilang mayor ang dating OIC na si Constancio G. Alimagno Jr. Pansin ang pagpapalaganap ng kultura sa ilalim ng kanyang pamamahala. Isa na rito ang Cabuyao Cultural Heritage Foundation na nakabuo din ng CCHF Symphonic Band. Disyembre 16, 1992 ng una silang nagtanghal sa lumang bahay ng mga Virtucio- Paguia. Nakabuo rin ng CCHF Dance Troupe at ng CCHF Chorale Ensemble. Sila ay maraming beses ng nagtanghal lalo na tuwing Araw ng Cabuyao. Naipatayo rin ang Laguna State Polytechnic College sa loob ng Cabuyao National High School sa Brgy. Tres ng Poblacion. Naipatayo rin ang Ospital ng Cabuyao. Makasaysayan ang pagkakatayo sa ospital sapagkat isa ito sa mga unang ospital sa buong bansa na naipatayo ng isang lokal na pamahalaan matapos ang isang taon mula nang maibatas ang Loca Government Code of the Philippines.Bunga ng mga pagsisikap na ito ni Mayor Alimagno, kinilala siya bilang “One of the Five Outstanding Local Chief Executives in the Whole Philippines ng PACD ng DILG noong Enero 6, 1995 sa isang malaking pagtitipon sa Iloilo City.
ANG LOKAL NA HALALAN
Ika-18 ng Enero 1988, nakakuha ng pinakamataas na boto sa pagka-Mayor si Proceso D. Aguillo habang si Generoso B. Opina naman ang nanalo sa agka-Vice Mayor. Naging pangunahing proyekto ni Mayor Aguillo ang pagtatayo ng “Placement Office” na mamamahala sa mga kababayang nagnanais na makapagtrabaho sa mga pabrikang nakatayo sa loob ng Cabuyao. Pinatayo rin ni Mayor Aguillo ang gusaling Manpower Youth Training Center na school youth na nagnanais na madagdagan ang kanilang kakayahan upang magkaroon ng sariling hanapbuhay. Ipinaayos din ang Agricultural Extension Office at ang Social Welfare Office. Ang dalawang pansekondaryang paaralan sa Cabuyao ang pinakamagandang naipagawa ni Mayor Aguillo. Noong 1987 ay nawalan ng mataas na paaralan ang Cabuyao dahil napilitan itong magsara. Kaya naman ito ang naging suliranin ng mga magulang dahil karamihan ay napipilitang mangibang bayan para lang makapag-aral. Dahil dito, ginawang pangunahing proyekto ito ng Mayor. Hunyo 1989, nang nagbukas ang Gulod National High school kasunod ay Cabuyao National High school sa Poblacion. Dahil sa magandang ugnayan ni Mayor Aguillo sa mga pabrikang nakatayo sa loob ng Cabuyao ay hindi na naging mahirap na hingan ng tulong ang mga ito.
