PANIBAGONG MGA OIC

Nagtakda ang Kongreso ng petsa para sa pagdaraos ng halalan sa lokal na pamahalaan. Ang mga nais tumakbo sa nasabing halalan ay kailangang magbitiw mula sa kanilang mga pwesto para makapaghain ng kanilang kandidatura sa ika-30 ng Nobyembre 1987. Itinalaga si Priscilla C. Alimagno bilang OIC Mayor, Atty. Benedicto T. Librojo bilang OIC Vice Mayor, at marami pang inihalal bilang pansamantalang konsehal.

ANG DILG ANG OIC

Ayon sa aklat ni Devoma, ang kauna unahang problemang kinaharap ni OIC Mayor Jun ay ang pagpaslang sa sikat na Hepe na Pulisya ng Cabuyao na si Capt.Emma Henry sa nayon ng Pulo. Magugunitang ang pabrika ng Cabuyao ay napasok narin ng mga samahan ng manggagawa gaya ng Kilusang Mayo Uno o KMU, Federation of Filipino Workers o FFW L, ang Trade Union Congress of the Philippines o TUCP, at ang TUPAS. Panahon din ni OIC Mayor Jun nang mapilitan nang isara ng mga may-ari ang Cabuyao Institute, ang pribadong paaralang pansekondarya sa bayan ng Cabuyao. Samantala, isa na namang kababayan ang patuloy na umani ng karangalan sa mundo ng musika, si Venancio “Vehnee” Alconaba Saturno ng nayon ng Sala.

ANG PEOPLE POWER REVOLUTION

ANG PEOPLE POWER REVOLUTION
Pebrero 22 hanggang 25, 1986 naganap ang mapayapang rebolusyon ng mga Pilipino laban sa rehimeng Marcos, ayon kay Juan Ponce Enrile at Heneral Fidel V. Ramos si Gng. Aquino daw talaga ang tunay na nanalo sa pagka-Pangulo. Gabi ng martes Pebrero 25,1986, nabalitaan na si Pangulong Marcos kasama ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan ay tumulak na patunong Estados Unidos sakay ng eroplano ng mga Amerikano. Sa wakas ay tapos na, at ang taong bayan ay nagwagi. Pebrero 25, 1986 Umaga, ng nanumpa si Gng. Aquino bilang bagong pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Greenhills, Metro Manila.

ANG SNAP PRESIDENTIAL ELECTION

Nang hindi na mapigil ang galit ng mga tao, si Pangulong Marcos ay napilitan ng magdaos ng isang snap election. Pebrero 3, 1986 itinakda ang halalan, at si Corazon C. Aquino ang inilaban kay Marcos, ang halalang nabanggit ay makasaysayan dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may isang babae na di-kalaunan ay siya ang nanalo, ito raw ang pinakamarumi at madugong halalan na naganap sa ating bansa. Sa huli ay si Marcos at Tolentino ang nanalo subalit ito’y hindi tinanggap ng sambayanan.

ANG PAGTATATAG NG IKAAPAT NA REPUBLIKA

Enero 17, 1981 ng “opisyal” ng wakasan ni Pangulong Marcos ang Batas Militar sa ating bansa. Sinasabing ang tunay na dahilan sa pag-alis ni Marcos ng batas militas ay bunsod ng napipintong pagdalaw ng Santo Papa Juan Paolo II. Hunyo 31, 1981 nang pasinayaan ang Ikaapat na Republika ng Pilipinas sa isang magarbong seremonya sa Luneta. Si Marcos na pala ang una’t huling pangulo ng nasabing republika.

SA LIKOD NG BATAS MILITAR

Napatalsik ng People Power Revolution noong 1986 si Pangulong Marcos, napalitan ng Parliamentaryo ang dating Presidential Form of Government, naging talamak ang pag-aresto at pagkulong sa kahit sinong inaakalang kalaban ng pamahalaan. Tinatayang aabot sa 50,000 Pilipino ang nakulong sa mga kampo ng militar at “lihim na kulungan” sa loob ng bansa. Ipinasara din ni Marcos ang lahat ng istasyon ng tv,radyo,at maging ang mga peryodiko lalo na ang mga tutol sa rehimeng Marcos. Maging ang karapatang magdaos ng pulong, demonstrasyon,rally, lalo na ang strike ng mga manggagawa ay mahigpit na ipinagbawal.

NANG MAGSIMULANG NGUMITI ANG LANGIT

1974 ng ipinasa ni Pangulong Marcos ang isang batas Pampanguluhan o “Presidential Decree” dito ay ipinagbabawal ang pagpapatayo ng kahit na anong uri ng factory sa loob ng 50 kilometrong layo mula sa Kamaynilaan. Sa kanyang ikaanim na termino natapos ang pagsasaayos at pagpapaganda ng Liwasang Bayan ng Cabuyao na pinasiyaan noong Hunyo 12, 1980.

ANG BAYAN SA PANAHON NG BATAS MILITAR

September 21, 1972 ng ipataw ni President Ferdinand E. Marcos ang Presidential Decree 1081 na nagsasaad na mula sa araw na iyon ang buong bansa ay nasa ilalim ng Batas Militar. Sinimulan na rin ng pamahalaan ang malawakang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot, Oktubre 21, 1972 ipinahayag ni Pangulong Marcos na ang buong bansa raw ay nasa ilalim na ng repormang pang-agraryo o “land reform”. Sa panahon din ng Batas Militar naganap ang isang pangyayaring hindi inaasahan at hindi malilimutan ng mga taga-Cabuyao, nabalitaan nila na ang Mayor, Ingat Yaman at Kalihim ng Bayan ay ikinulong sa Kampo Crame sa Quezon City sa salang BSDU o ang “Balik Sa Dating Ugali”. Ito ay batas na ginawa ni Pangulong Marcos bilang panakot sa lahat ng opisyal ng bansa, sila ay nakulong ng labing limang araw.

ANG KWENTO NG GINTONG BUWAYA

Abril 1, 1972 ng masaksihan nila ang Simbahan ng San Polycarpo ay napapalibutan ng mga yero, at may nagbabantay na mga sundalo rito mula sa Philippine Constabulary. Tumungo sa simbahan si Mayor Alimagno upang alamin kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa simbahan, at ayon sa mga sundalong naroon ay sinusunod lamang nila ang utos mula sa mataas na pinuno ng pamahalaan na ayaw nilang pangalanan. At di umano ay mayroon silang impormasyong nabatid na noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig daw ay may kayamanang ibinaon sa loob ng simbahan ang mga Hapon, kaya agad agad ipinasara ng mga Amerikano ang simbahan at umabot ng dalawang buwan at may nakuha sila ritong “gintong buwaya” nang makaalis ang mga sundalong ito, ay agad agad pinatabunan ni Mons. Rosal ang iniwan nilang hukay.

Design a site like this with WordPress.com
Get started