pakikibaka Ng bayan

Taong 1896 nakarating sa cabuyao ang balitang himagsikan Laban sa mga kastila. Sila heneral Emilio aguinaldo at Mariano trias ang mga namuno sa himagsikang Ito inatasan noon ng alkaldeng si Ricardo delos trinos at tenyente isabelo virtucio na bumuo ng pangkat Kung saan ang mga kalalakihan ang magtatagol sa bayan kung sakaling magkakaroon ng himagsikan at kailangan din nilang makipag ugnayan sa heneral Paciano Rizal, siya ang pinunong rebolusyonaryo sa parteng hilaga ng laguna upang malaman ang mga paghahanda kapag nangyari. Sa dakong katimugan ng laguna ay pinamumunuan ni Heneral Juan cailles. Karamihan sa mga kalalakihan naging tagapag tanggol ay ang mga magsasaka, sila ay walang masyadong alam sa paggamit ng armas, ngunit hindi ito naging hadlang upang makapag lingkod sila bayan. Noong agusto 30 1896 idineklara ni Heneral Ramon blanco na may digmaan na sa maynila, Laguna, Cavite, Pampanga, Bulacan, tarlac at nueva Ecija. Taong 1898 tuluyang nawakasan ang pananakop ng mga kastila sa ating bansa. Magkasabay ang pagbagsak ng españa at ang paglisan din ng mga prayle. Noong taong 1895 at 1897 ay palihim na itinakas ng mga parokyano si Padre Manuel pastor upang makaiwas sa galit ng mga katipunero ng pumutok na ang himagsikan si Padre galo minguez ang pansamantalang pumalit sa kanya. Taong 1896 pinalayas din ang mga katipunero. Taong 1899 ay makasaysayan sa bayan ng cabuyao partikular nasa simbahan, sa pangalawang pagkakataon nagkaroon na naman ng pinunong Hari ang simbahan at ito ay si Padre Eulalio Mea. Siya ay naglingkod ng limang taon hanggang 1903. Siya ay matulungin nang dahil dito, siya ay nabilanggo noong 1901 sa paratang na “pagtulong sa mga bandidong pilipino” ngunit hindi nagtagal siya ay pinalaya rin. Mula 1897 hanggang 1898 nanungkulan bilang presidente municipal si dominador delfino tinawag ang kanyang pamahalaan na ” pamahalaang Tagalog” noong December 10 1898 nagkaroon ng kasunduan ang amerika at españa at ang kasunduang ito ay taliwas sa landas na nais ng mga pilipino at pinalitan lang ng mga amerika ng mga kastila sa pananakop. Dahil sa digmaang pilipino- amerika noong taong pebrero 4 1899 sinang ayunan ng amerika ang mga nilalaman ng ” kasunduan sa Paris” sa halagang $20 milyon kapalit ay ang bansang pilipinas. Sa pamumuno ni dominador, nagsimulang kumalat ang skait na kolera sa pilipinas ang cabuyao ay hindi nakaligtas dito, marami ang namatay sa epidemyang ito. Ayon kay devoma ” ang nakikilibing ngayon o ang naghuhukay ng libingan ay siyang mamamatay kinabukasan”. Para masugpo Ang epidemya taong 1901 itinatag ng amerika ang board of health na naging bureau of health. Sinusunog ang mga bangkay na namatay dahil sa kolera, nagsimulang nagtayo ng mga poso na Wala pa noon. Ang balon ang pangunahing pinagkukunan ng maiinom ng mamamayan sinikap din nila na magtayo ng inidoro para sa mga mamamayan. Ilang taon pa bago masugpo ng taluyan ang kolera, inabutan pa nga ni presidente soleto battalones ayon sa tala, hindi dapat siya ang kasunod ni delfino, noong 1901 si andoy manipolo ang nahalal na presidente ngunit dahil siya ay hindi marunong magsukat at magbasa ng Ingles, hindi Ito sinunod ng mga amerikano, Kaya naman si battalones ang nanalo. Taong 1904 nakarating ang gamot Laban sa kolera, samantalang noong November 4 1901 pinagtibay ang ” sedition law” na nagbabawal sa mga pilipino na sumulat o ano mang laban say mga amerikano. Ang pilipinong lalabag sa batas na Ito ay makukulong o mahatulan ng kamatayan. Noong November 12 1902, “brigantage act” na nagbabawal sa pakikilahok at pagsali sa mga kilusan. Noong November 7 1904 ay kumalat ang balitang na ang dating alkalde na si delfino at kaibigan nito na si hermedes at dinukot. Dinukot ng bandidong pangkat oruga.si oruga ay dating nakasama ni battalones Kaya naman pansamatala siyang tinaggal sa pwesto, noong September 7 pinabalik si battalones sapagkat napatunayan na Wala siyang kinalaman sa pagdukot sa dalawa. Taong 1911 naitayo ang paaralang elementarya. Ang paaralang Ito ay naging cabuyao central school, ayon sa kanila tuwing lunes ay mas maaga silang pumapasok sapagkat nagkakaroon ng tinatawag na ” flag ceremony” una munang aawitin ang “star spangled banner” habang itinataas ang watawat ng amerika ang kasunod nito ay ” lando of the morning para sa pagtatas ng watawat ng pilipinas, pagkatapos ng dalawang awit bibigkasin naman nila ang ” pledge of loyalty” na Gaya ng ating pambansang awit ay nakasulat din sa wikang Ingles. Sa pawawakas aawitin naman nila ang “God bless america” Taong 1921 nagkaroon ng kauna unang pagtatapos o ” graduation” ang cabuyao central school apat sa naunang nakapagtapos ng ikapitong baitang Sina Rosario Obispo, Enriqueta Ronsayro, Presentacion Barameda at Exequel Ronsayro, ay naging guro ng nasabing paaralan. Bumuo ng musikong banda si battalones SI Lorenzo Barraga ang tagapag muno ng nasabing Banda. Noong 1913 natapos ang termino ni presidente battalones ngunit siya ay hindi na muling tumakbo. Inukol niya na lang Ang huling sandali sa paglilingkod sa simabahan dahil sa katandaa, napilitan siyang ipasa ang kantungkulan Kay florencio bailon ang banda at patuloy namayagoay ngunit dumating ang panahon ng hapones, Ito ay hindi na napagtuunan ng pansin. Noong 1904 nanalo sa halalan si Austin Dedicatoria na naglingkod hanggang 1916 siya ang nagpatuloy ng mga nasimulan ni battalones siya ay kilalang makabayan. Isa sa pinaka importanteng proyetong sinigawa niya na hanggang ngayon ay makikita pa ay ang bagong libingan na ngayon ay barangat III na. Muling nagbalik sa presidente si Jose manacsa Bella Sr. At dito inayos ang sinstemang edukasyong pampubliko ang mga bata ay kailangang mag aral ng elementarya imunungkahi ni bella na magtayo ng paaralan sa pulo at mamatid. Noong 1934 naitayo ang home economics and industrial science building say central school na pinamunuan ni Presidente Alberto Carpena.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Design a site like this with WordPress.com
Get started