ANG CENTENNIAL MAYOR

Sa halalang noong 1995, muling nabawi ni Etok Aguillo ang pagiging mayor mula kay Jun Alimagno. Dahil dito, si Aguillo ang tinaguriang Centennial Mayor dahil siya ang nakaupo sa panahong ipinagdiwang ng buong bansa ang sentenaryo ng kanilang kalayaan. Naging mahirap ang unag buwan ni Mayor Aguillo sapagkat kapos sa pera ang kaban ng bayan. Dahil sa kakapusan ng pondo ay nanganib na hindi na maisakatuparan ang proyekto. Na naging dahilan upang gawin niyang pangunahing programa ang pagsasaayos ng koleksyon ng buwis ng bayan. One stop shop na alinsunod sa panawagan ng pambansang pamahalaan sa kampaya nito laban sa Red Tape. Ito ang nakitang solusyon ni Mayor Aguillo para dumami ang mamuhunanan sa ating bayan. Dahil sa maayos na programang ito ay lalong dumamo ang mangangalakal sa bayan na naging sanhi naman ng pagtaas ng koleksyon nito. Sa ilalim ng Etokarunungan noong 1995 sinimulan ang scholarship program na kung saan naging libre ang pag-aaral sa 18 paaralang elementarya at apat na sekondarya sa Cabuyao. Mayroon ding 500 na iskolar sa Kolehiyo. Isinaayos din ang Mutual Death Aid Program para sa naulilang pamilya kasapin ng FSCAP-Cabuyao na nakakatanggap ng malaking halaga ng pera. Taong 1998 nang alisin ni Bishop Francisco Capiral San Diego ang Visita ng Bigaa. Unang araw ng Mayo ipinagdiriwang kapistahan ng simbahan ng Bigaa. Ika-31 ng Hulyo 1999 na idaos ang paglalagay ng panulukang bato para sa pagpapatayo ng modernong gusali. Hulyo 31, 2000 nang pormal na pasinayaan ang bagong gusali. Nagkaroon ng karangalan si Mayor Aguillo na tawaging Millenium Mayor bilang pagsalubong sa panibagong milenyo. Hunyo 29,2001 nang sabay na pasinayaan ang PNP-Cabuyao Station at Bureau of Fire Protection. Hulyo 31, 2001, nang pasinayaan ang bagong gusali ng Bureau of Jail Management and Penology-Cabuyao. Sa araw ding iyon ay pormal na binuksan sa publiko ang Gulod-San Isidro Farm to Market Road at Pulo -Diezmo-San Isidro Diversion Road. Nagkaroon din ng groundbreaking rites para sa CAST na lupang pag-aari ng Brgy. Banay-banay. Disyembre 21,2001 nang pumanaw si Gabriel N. Devoma, na nagulat ng aklat ng kasaysayan ng Cabuyao. Abril 22, 2002, mahigit na 50 city at municipal mayors sa iba’t ibang lungsod sa buong Pilipinas ang dumalaw sa bayan ng Cabuyao bilang bahagi ng kanilang study tour. Natanggap ng Cabuyao ang parangal bilang “Model Municipality in Stremlining Regulatory System and Anti-Red Tape Program na iginawad ng DILG. Inilunsad ang Cabuyao Hymm ni Vehnee Saturno noon 2002. Hulyo 31 2002 naman ng pasinayaan ng bagong Rural Health Unit 1 sa Pamahalaang Bayan. Ang RHU I ang pinakamaganda, pinakamoderno at pinakamalaking RHU building sa buong lalawigan Laguna. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginanap din sa bayan ng Cabuyao ang Batingaw Festival na proyektong pangkultura at panturismo. Ang Batingaw Festival ay kapapalooban ng apat na araw ng pagdiriwang simula ika-13 ng Enero 2003. Ang PnC ay ibinatay sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na noong panahong iyon ay nagsisilbing modelo para sa isang lokal na unibersidad. Hulyo 31, 2003 natapos at pinasiyaan ito. Hunyo 19, 2003 ay dumalaw ang noo’y Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Cabuyao upang personal na makita ang bagong Pamantasan ng Cabuyao. Hunyo 16, 2003 nang pormal na magsimula ang klase sa Pamantasan ng Cabuyao.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Design a site like this with WordPress.com
Get started