Ika-16 ng Enero ng Enero ng bawat taon ipinagdidiwang ang Araw ng Cabuyao. Ito ay sa bisa ng Pambayang Kapasyahan Bilang 137 na ipinanukala ni Konsehal Eddie Alviar at Primo N. Briones. Pinagtibay ito noong ika-19 ng Setyembre 1989. 1990 ng unang ipinagdiwang ito. Taong 1991 naman nang matapos ang pagtatayo ng The Light Industry and Science Park (LISP) in the Philippines sa Cabuyao. Ito ang pinaghalong komersyo at mataas na kalidad ng teknolohiya. Ang Science Park ay may 75 na pabrika. Sa eleksyon na naganap noong ika-11 ng Mayo 1992, nanalo bilang mayor ang dating OIC na si Constancio G. Alimagno Jr. Pansin ang pagpapalaganap ng kultura sa ilalim ng kanyang pamamahala. Isa na rito ang Cabuyao Cultural Heritage Foundation na nakabuo din ng CCHF Symphonic Band. Disyembre 16, 1992 ng una silang nagtanghal sa lumang bahay ng mga Virtucio- Paguia. Nakabuo rin ng CCHF Dance Troupe at ng CCHF Chorale Ensemble. Sila ay maraming beses ng nagtanghal lalo na tuwing Araw ng Cabuyao. Naipatayo rin ang Laguna State Polytechnic College sa loob ng Cabuyao National High School sa Brgy. Tres ng Poblacion. Naipatayo rin ang Ospital ng Cabuyao. Makasaysayan ang pagkakatayo sa ospital sapagkat isa ito sa mga unang ospital sa buong bansa na naipatayo ng isang lokal na pamahalaan matapos ang isang taon mula nang maibatas ang Loca Government Code of the Philippines.Bunga ng mga pagsisikap na ito ni Mayor Alimagno, kinilala siya bilang “One of the Five Outstanding Local Chief Executives in the Whole Philippines ng PACD ng DILG noong Enero 6, 1995 sa isang malaking pagtitipon sa Iloilo City.
