2003 nang simulan ng mga taga-Cabuyao ang mgaa kilos protesta laban sa National Housing Authority dahil umano sa di-makatarungan at madaliang pagpapalipat ng mga informal settler mula sa Metro Manila patungo sa relocation site. Ang nasabing site ay ang Sunrise Subdivision na ‘di kalaunan ay tinawag na Southville. Ika-9 ng Setyembre 2003 ng mapadala ng isang liham ang Pamahalaang Bayan kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Nakapaloob sa liham ang pagtutol sa pagpapalipat ng informal settler. Una, may Pambayang Kautusan Blg. 2003-061 na nagbabawal na lumipat o tumigil sa bayan ng Cabuyao sa ilalim ng proyektong nasyonal. Ikalawa, hindi dumaan sa wastong proseso ang usapin ng pagpapalipat sa kanila mula Metro Manila patungo sa Cabuyao. Ito ay labag sa Implementing Rules and Regulations ng 1991 Local Government Code of the Philippines. Ikatlo, hindi makakayanan ng pamahalaang bayan ng Cabuyao ang pagdagsa ng informal settler na makakaapekto rin sa paglobo ng populasyon. Ayon pa sa mga liham ay mag kinakaharap pang problema ang Cabuyao hingil sa informal settler nito sa tabing riles at ilog. Marami rin na pabrika ang nagsipagsara bunga ng malaing krisis pang ekonomiya na naranasan ng bayan.
