Ika-18 ng Enero 1988, nakakuha ng pinakamataas na boto sa pagka-Mayor si Proceso D. Aguillo habang si Generoso B. Opina naman ang nanalo sa agka-Vice Mayor. Naging pangunahing proyekto ni Mayor Aguillo ang pagtatayo ng “Placement Office” na mamamahala sa mga kababayang nagnanais na makapagtrabaho sa mga pabrikang nakatayo sa loob ng Cabuyao. Pinatayo rin ni Mayor Aguillo ang gusaling Manpower Youth Training Center na school youth na nagnanais na madagdagan ang kanilang kakayahan upang magkaroon ng sariling hanapbuhay. Ipinaayos din ang Agricultural Extension Office at ang Social Welfare Office. Ang dalawang pansekondaryang paaralan sa Cabuyao ang pinakamagandang naipagawa ni Mayor Aguillo. Noong 1987 ay nawalan ng mataas na paaralan ang Cabuyao dahil napilitan itong magsara. Kaya naman ito ang naging suliranin ng mga magulang dahil karamihan ay napipilitang mangibang bayan para lang makapag-aral. Dahil dito, ginawang pangunahing proyekto ito ng Mayor. Hunyo 1989, nang nagbukas ang Gulod National High school kasunod ay Cabuyao National High school sa Poblacion. Dahil sa magandang ugnayan ni Mayor Aguillo sa mga pabrikang nakatayo sa loob ng Cabuyao ay hindi na naging mahirap na hingan ng tulong ang mga ito.
