Ayon kay Teodoro Agoncillo, ang mga sinaunang Pilipino ay naniniwala na sa konsepto ng kaluluwa at at sa kaluwalhatian. Mayroon silang tinatawag na Bathalang Maykapal. Ang unang nasabi ay lumikha ng mundo at naririto maging ang mga tao. Kaya si Bathalang Maykapal ang pinakamakapangyarihang diyos para sa mga katutubo. Nasabing siya ay naninirahan sa kaluwalhatian.Ang mga mababang anito naman ay nakabatay sa pang-araw-araw na gawain o pangangalaingan ng mga katutubo. Sila ang nakatakda para sa pangangailan ng mga tao. May mga iba’t-ibang uri ng mga diyos na pinaniniwalaan ang mga tagalog. Ayon pa kay Agoncillo, ang paniniwalang ito ay kumalat sa buong bayan bagama’t nag iiba lamang ng pangalan. Sinisisi din ng mga katutubong Pilipino sa mga anito tuwing nagkakaroon ng insidente, kamatayan o pagkakaroon ng peste. Laganap sa buong bansa na may nangangalagang espiritu sa lahat ng bagay, may buhay man o wala. Ayon kay Plasencia, ang buhay ng katutubo ay umiikot sa pagbibigay ng kasiyahan kay Bathala. Isinasagawa nila ang iba’t-ibang ritwal na pinamumunuan ng katalonan. Naniniwala rin ang mga sinaunang Pilipino sa bisa ng mga anting-anting, agimat at iba pa. Para sa kanila ito ay panlaban sa mga nilalang na hindi nakikita o nagdudulot sa kanila ng kasamaan.
