-Ayon kay William Henry Scott, ang mga barangay sa isla ng Luzon at Visaya rin ay umiiral ang tatlong uring panlipunan, ito ay mga maginoo, maharlika at timawa, at alipin. Ang mga maginoo ang pinakamataas ng uri sa lahat. Ayon naman kay Dr. Zeus Salazar, bukod sa pulitikal, ay may tungkulin din ito sa pang militar upang mapangalagaan ang kapayapaan at katahimikan ng kanyang nasasakupan.Ang maginoo rin ang may kapayarihang makipag-usap sa ibang barangay para ayusin ang hidwaan o kaya naman magkaroon ng kasunduang mag-anib sila upang hindi magkaroon ng digmaan. Ang kapangyarihan. G maginoo ay walang takda o absolute sapagkat siya ang may kapangyarihang magpatupad ng batas, Ang dato at tuan naman ay sa Kabisayaan at Mindanao na ibig sabihin ay pinapipitagang mga nakakatanda ng pamayanan. Ang pangkat etnikong Sama ay pinag ugatan ng salitang datu na tinawag ding Moken. Kasingkahulugan din ito ng salitang anit. Ang datu sa ibang katutubo ay ginawaran ng katangiang mistikal. Tulad ng nakita ng mga Kastila sa Kamaynilaan noong 1565 bilang raja, na galing sa salitang Sanskrit.Ang salitang puno na salitang-ugat ng pinuno ay nangangahulugan na “pinagmulan o pinanggalingan.” Nono ang isang pang kahulugan na ibig sabihin ay ninuno. Ang pinakadiwa sa lahat ayon kina Teodoro at Rodriguez ay ang paggalang na iginawad ng mga katutubong Pilipino
